Huwebes, Oktubre 27, 2011
something reminds me. . .
kanina habang nakapila (enrolment) i saw this little boy eating cornetto . . . natawa ako, naalala ko kasi si tita jing eh. . . favorite kasi naming patalastas yung CORNETTO eh. . tip to top sarap! ganda kasi eh (para sa'min). Lagi naming inaabangan yan. kung ano next and next . . iba-iba kasi. :)
noong bata pa ako. . .
Ngayon, ang madalas kong tinatanong ay kung kelan ba ako natutong magsulat? di'ko na maalala. basta ang alam ko lang hinahawakan palang noon ni mama ang kanang kamay ko para i-guide akong magsulat ng mga straight lines(na hindi naman talga straight), zigzag lines, diagonal lines, at kung anu-ano pang klaseng mga lines. . . hanggang sa matuto akong magbasa ng "A,E,I,O,U". Natatandaan ko pa na ang laging kaharap ko noon ang manipis na librong may "ba, be, bi, bo,bu" at matatanong ko pa kung minsan. . "bo-bu daw ma oh. . bobo po ako?". hanggang sa ilipat ko sa kabilang pahina at doon mababasa ang "ka, ke, ki, ko, ku" tapus bigla pa akong matatawa at "ma, ko-ku oh. . kuko?ha-ha" tapus edudrawing ko uli yung paborito kong edrawing noon. . ang kuko. nang ilipat ko na sa kabilang pahina ay saka ko maalala na wala palang letter "C", tapus magtatanong uli ako ng "ma, nasan yung letter C? bakit walang Ca,Ce,Ci,Co,Cu?" sagot ni mama "yung 'K' yan na yung kapalit ng C". Madaldal daw talaga ako noong bata pa'ko. . . (ngayon siguro napagod na'ko nang konti). Andami ko pa ngang mga tanong noon, gaya ng "ba't may B'WAN?" "bat may ARAW?" "BAT may gabi? ba't di nalang puro araw para laging maliwanag?" at kung anu-ano pang mga tanong na minsan ay nakakapagod nang sagutin. Kahit magpahanggang ngayon ay madami paring "BAKIT" dito sa isipan ko eh. . . sabagay, hindi naman nauubos yung mga TANONG natin sa isipan di'ba?
Noong elementary ako, natuto akong magsulat ng mga checheburecheng sulatin. Naisip ko lang na magsulat noon dahil gusto kong patawanin ang mga classmates ko. Comedy ang pinaka-una kong sinulat. Noong kasing elementary, mahilig kaming magkwentuhan ng mga nakakatawa tapus ay magpapalitan kami ng notebook para basahin ang mga nakakatawang sinulat namin at biglang matatawa nang bongga!
Noon ding elementary mismo natuto akong magsulat ng mga simpleng love story. . . at ng mga kwentong tragedy.
Nang tumuntong ako nang highschool ay ako lagi ang natutukang magsulat ng mga script tuwing may play kami o dula-dulaan at ang masama pa madalas, kapag nag-iinarte ang mga ka-grupo ko eh ako lagi ang gumaganap bilang main character at magpaepal nang husto sa gitna magkagrade lang. Naaalala ko pa na noong nagpresent kami ng maikling dula-dulaan (binigyan lang kami ng 15 mins. para mag-usap) tungkol sa "PANLILIGAW NOON" (syempre walang script2 kc madalian, kanya-kanyang lines) ay walang gustong gumanap bilang nanay..madami daw kasi yung sasabihin ng nanay eh, gusto lang nilang role ay mga anak at escort ng manliligaw, so, again and again and again and again. . ako na NAMAN. At nung nagpresent na kami? foothik! pilosopo yung manliligaw! ewan ko kung saang sulok ng classroom ko napulot lahat ng mga sinabi ko maipamukha lang sa kanya na hindi uubra ang pagkapilosopo niya(kung talagang noong unang panahon lang yun. . . baka sinipa na siya ng nanay).
a short caption from our conversation:
NANAY: bakit, kaya mo na bang buhayin ang anak ko?
MANLILIGAW: Opo.
N: ano bang kaya mong gawin aber!?
M: kaya ko pong kumain. . .
fuutik na yan!Pero nung nagcheck na kami ng papel sa grading period namin, binigyan kami ng PLUS ni ma'am... mei plus daw kasi yung dula-dulaang maganda (sa paningin niya). hekhek.
:)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)